Join Kuya Kim as he discovers Bohol on "Matanglawin"
abs-cbnNEWS.com | 09/24/2008 12:13 PM
Printer-friendly version |
Send to friend |
Share your views
Samahan si Kuya Kim sa kanyang makabuluhang paglalakbay sa kilalang tourist destination sa Pilipinas... ang Bohol!
Mahanap niya kaya ang sinasabing pangit na hayop na matatagpuan sa Bohol na kung tawagin ay Caguang, na sa Boholano ay nangangahulugang...
ano pa nga ba kundi... pangit! Talaga nga bang hindi maipinta ang mukha ng hayop na ito at dapat ba itong katakutan?
Sa kanyang paglalakbay ay makikilala din niya si Prony, isang reticulated python na may habang 10 talampakan at bigat na 250 kilos!
At siyempre, hindi niya papalagpasin ang pagkakataon na makita ang mga dolphins ng malapitan pati na ang mga maomag o tarsier na mas maliit pa sa kamay ng tao.
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit magkamukha ang movie character na si E.T. at ang mga tarsier? Ito'y dahil tarsier ang naging inspirasyon ni Steven Spielberg nang kanyang nilikha ang pinakasikat na alien sa buong mundo na si E.T.
Samu't saring kaalaman ang inyong matutunan at matutunghayan sa September 28 kaya tumutok na sa Matanglawin tuwing Linggo alas-onse ng umaga bago mag-ASAP.











