"Matanglawin" tackles death in Halloween special, Nov. 2


abs-cbnNEWS.com | 11/03/2008 12:19 PM

Ano nga ba ang nangyayari kapag namamatay na ang tao? Ano ang pakiramdam na ilibing sa kabaong at ibaon sa lupa?
Para mahanap ang mga kasagutan, susubukan ni Kuya Kim na magpabaon ng buhay!

Totoo ba ang multo? Sa isang haunted house kasama ang mga spirit questors aalamin ni Kuya Kim kung totoo ang mga kwento-kwentong bumabalot sa isang lumang bahay na diumano'y may nagpapakitang multo. Kung ito'y totoo, matahimik na kaya ang mga kaluluwang naninirahan sa lumang bahay na ito?

May katotohanan ba ang mga urban legends? Ano ba ang hiwaga ng salamin? Totoo nga bang pagsapit ng alas dose ng gabi, kapag tumapat ka sa salamin makikita mo ang iyong mapapangasawa? White lady na sumasakay sa jeep, may katotohanan din kaya?

Isang kantang di umano'y lahat ng nakakarinig ay nagpapakamatay, ipapaliwanag ng mga eksperto.

Mundo ng kababalaghan at katatakutan, hiwaga at kamatayan... papasukin ni Kuya Kim ngayong Linggo sa "Matanglawin"!

as of 11/06/2008 5:49 PM



Video


More Videos


Tower 1


Tower 2


Storypage Ad zedo